ibonreads

Mga edukador, magpupulong sa Palawan tungkol sa edukasyon para sa kalikasan

In Education for Development, Events, Filipino, Fora, IBON Networks, Trainings on April 27, 2012 at 6:11 am

Magtitipon ang mga edukador ngayong Mayo upang pag-usapan ang climate change at maghanap ng paraan upang mailakip ang edukasyon para sa kalikasan sa kurikulum para sa susunod na taong pampaaralan. 

Tatalakayin sa 15th IBON Partnership in Education for Development (IPED) Annual Educators’ Conference ang konsepto ng environmental justice at ang kinalaman nito sa mga pagsisikap para sa kaunlaran sa Pilipinas. Isasagawa ang kumperensya sa Puerto Princesa sa Palawan na may temang “The Filipino Educator’s Role in Promoting Environmental Justice, Peace and Development”. Titipunin rito ang mga titser, administrador ng mga eskwelahan at iba pang myembro ng academe. 

Ayon sa IPED, ang tema ay naapanahon laluna sa gitna ng papalaking bilang ng mga sakunang may kinalaman sa klima at ang panunumbalik ng pagmimina sa bansa. Kinilala ng IPED na maraming tagapagtaguyod ng kalikasan ang naghahapag ng mga isyung pangkalikasan sa pampublikong debate upang hamunin ang gubyerno na kumilos, at ang mga eskwelahan ay dapat na maging bahagi sa pagharap sa hamon na ito. Kayat mahalaga para sa IPED na ang edukasyong pangkalikasan ay maipaloob sa batayang kurikulum pang-edukasyon.

Nilalayon ng kumperensya na makapag-ambag sa pagpanday ng kamulatan at kakayahan ng mga edukador sa pagtuturo ng mga isyung pangkalikasan. Inaasahan ng IPED na sa pag-angat ng kamulatan ng mga edukador, makikinabang ang mga estudyante sa elementarya at highschool na siyang “susunod na henerasyon”.

Ang mga tagapagsalita ng kumperensya ay kabibilangan nina Climate Change Commission Undersecretary Naderev M. Saño at Mika Ortega, anak ng pinaslang na journalist at anti-mining advocate na si Gerry Ortega. Tatalakayin ni Saño ang tugon ng gubyerno sa climate change habang si Ortega ay kaugnay ng mga hamon sa mga edukador sa pagpalaganap ng environmental justice, kapayapaan at pag-unlad.

Ang IPED ay programa ng IBON Foundation sa pagpalaganap ng ”transformative education” sa pamamagitan ng textbooks, suplementaryong gamit pang-edukasyon, pagsasanay ng mga titser at mga kumperensya sa mga gradeschool, highschool at mga unibersidad sa buong bansa. Ang Kumperensya ay isasagawa sa May 1-4 sa Circon Businessman Inn, Puerto Princesa, Palawan.

Para sa mga edukador na nais lumahok, paki-contact si Joseph Evalle sa tel. (632) 927-7060 hanggang 62 loc 411, o i-email sa iped@ibon.org.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: