ibonreads

Mga kasambahay na Pilipino, higit ang kontribusyon sa ekonomiya kaysa pagmimina

In Filipino, IBON Infomaterial, Uncategorized on March 15, 2012 at 7:00 am

Nag-aambag ng higit na halaga sa ekonomiya kaysa pagmimina ang trabaho ng mga kasambahay sa Pilipinas at sa ibang bansa, ayon sa grupong panaliksik na IBON. Pinatatampok nito na ang kontribusyon ng industriya ng pagmimina sa ekonomiya ay di lamang dapat sa usapin ng halaga ng nalilikhang mineral, kundi kung papaano ito gagamitin para magpaunlad ng industriyang Pilipino.

Binigyang-diin ng IBON na ang labor export at mga trabahong mababa ang sweldo ay palatandaan ng matinding kakulangan ng trabaho sa bansa. Subalit, ayon sa IBON, higit pa ang naiaambag ng mga kasambahay sa ekonomiya kaysa pagmimina.

Noong 2011, nag-ambag ang mga Pilipinong kasambahay sa Pilipinas at sa ibang bansa ng di bababa sa Php167.4 bilyong halaga ng serbisyo at remitans sa ekonomiya. Samantala, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), Php122.1 bilyon ang gross production value ng industriya ng pagmimina o Php99.2 bilyon lang sa gross value added (GVA). Ang mining at quarrying ay bumuo lamang ng 1.5% ng gross domestic product (GDP) noong 2011.

May 15 beses mas maraming Pilipinong nagtatrabaho bilang kasambahay kaysa nagtatrabaho sa industriya ng pagmimina. May 1.95 milyong kasambahay sa bansa (5.2% ng kabuuang bilang ng kabuuang empleyo), maliban pa sa may 1.3 milyon sa ibang bansa. Ikumpara ito sa 211,000 (.6% ng kabuuang empleyo) lamang sa pagmimina.

Idinagdag pa ng IBON na ang mga kumpanya sa pagmimina ay hindi lamang nag-eempleyo ng mas kaunting tauhan, kundi masahol pa, nagbibigay lamang ng pansamantalang benepisyo  sa mga lokal na komunidad habang nasa operasyon lamang ang minahan.

Higit pa, ang kontribusyon ng pagmimina ay may hangganan at matatapos oras na magamit ang yamang mineral. Ang pangmatagalang kawalan ng yamang mineral sa Pilipinas ay di na mababawi pa — pinapatampok nito na kailangang mapakinabangan ng bansa ang mga benepisyo sa ekonomiya ng mineral na yaman nito lampas pa sa simpleng bahagi sa kikitain dito. Magiging ganap lamang ang mga dagdag na benepisyong ito kapag ang bansa ay may sariling industriya na nagpoproseso ng kaniyang yamang mineral at ginagamit ito bilang sangkap sa pagmanupaktura ng higit-sa-halagang intermediate at pinal na mga produkto.

Hinahango lamang ng mga kumpanyang nagmimina ngayon ang yamang mineral ng bansa upang ieksport at  para pakinabangan ng mga dayuhang ekonomya. Isang palatandaan, halimbawa, na noong 2011 ang US$43.3 milyon (Php88.5 bilyon) na eksport sa pagmimina ay katumbas ng 89% ng GVA ng pagmimina. Habang bahagi ng mga mineral ng bansa ay bumabalik bilang mga pinal na produktong inaangkat ng mga Pilipino, napakaliit nito kumpara sa ineksport na mina ng Pilipinas dahil napakanipis lamang ng palengke ng bansa para sa ganitong mga produkto kumpara sa maraming ibang bansa.

Sa kabilang banda, ang halaga ng mga serbisyong a nalikha ng mga kasambahay ay natantya sa pamamagitan ng pagtutuos (multiply) ng kanilang kabuuang bilang sa Php140.89 abereyds na arawang batayang sahod at  sa 365 araw ng taon — sa total na Php100.3 bilyon. Ang abereyds na arawang batayang sahod ay itinuturing na katumbas ng pang-ekonomiyang halaga ng kanilang serbisyo. Ang remitans mula sa mga kasambahay sa ibang bansa ay natantya sa pamamagitan ng pag-multiply ng pagtatayang IBON na 1.3 milyon na nagtatrabaho sa ibang bansa at sa ipinagpapalagay na remitans na US$100 (Php 4,300) kada buwan — sa total na Php167.4 bilyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: