ibonreads

Mabagal na paglago sa 1st Quarter, pahiwatig na malabong makamit ang year-end target

In Filipino, Media Release on June 2, 2011 at 6:33 am

Ipinapakita ng4.9% na mabagal na paglago sa gross domestic product (GDP) sa unang kwarto ng 2011 na  ang relatibong mataas na paglago noong nakaraang taon (2010) ay, sa pangunahin, pagbuwelta lang mula sa 2009. Hindi ito senyales ng ekonomyang nasa landas ng mataas na paglago, pagdidiin ng grupong panaliksik na IBON.

Idinagdag pa ng IBON na ang target na 7.3% para sa taong ito ay malabong makamit o masustine. Ito ay  kung ang tanging sinasandigan ng gubyerno para rito ay mga imprastrakturang tulak ng private-public partnerships (PPP), mga multimilyong ‘cash dole-outs’ , ang rekoberi ng pandaigdigang ekonomiya, at ang binibidang “business and consumer confidence”  sa gubyerno.

Sinabi ng IBON na limitado ang pakinabang sa  iminumungkahing PPP at cash transfer program. Higit pa, ang pandaigdigang ekonomiya ay hindi naman nagrerekober at delikado pang muling bumulusok. Binanggit pa nga ng United Nations na inaasahan ang mas mahinang paglago sa pandaigdigang ekonomya sa 2011. Ang tinatawag namang business and consumer confidence  ay masyadong napalalaki at katunayan ay maliit lang ang talagang epekto sa ekonomya.

Dapat ring ikabahala ang napakahinang pasok ng kita ng mga OFW. Ipinapahiwatig nito na lalaong maaapetuktuhan sa mga susunod na panahon ang lokal na pagkonsumo at paglago. Ipinapakita rin nito na  umaabot na ang Pilipinas sa rurok ng pagkakaroon ng ekonomyang nakasandig saremitans. Bukod ito, hindi lang  pandaigdigang ekonomya ang malamya kundi maging ang iba pang bansa sa Southeast Asia, South Asia, Eastern Europe at Latin America ay nag-ieksport na rin ng kanilang mga manggagawa sa ibang bansa.

Pinapatampok ng mabagal na paglago sa ekonomya ang pangangailangan sa kagyat na pagtigil ng mga patakaran sa ekonomya na masyadong umaasa sa di-sustinableng mga mapagkukunan ng paglago gaya ng mga remitans ng overseas workers at dayuhang pamumuhunan. Ngayong mag-iisang-taon na ang administrasyon, lalo itong nahahamon na palakasin ang lokal na ekonomya sa pamamagitan ng  paglikha ng mga trabaho at pagpanday ng mga patakaran para sa matatag na lokal na industriya at agrikultura.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: