ibonreads

Presyo ng Diesel, gasolina pwedeng mas mura nang Php6/litro kung walang VAT

In Filipino, Media Release on April 8, 2011 at 10:42 am

Sa harap ng panibagong pagtaas sa presyo ng langis, muling nanawagan ang IBON sa gubyernong Aquino na alisin ang ang value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo. Kapag inalis ang regresibong buwis na VAT sa produktong petrolyo, ang  mga presyo ng gasolina at diesel ay maaaring mas mababa nang Php5.70-6.60 kada litro.

Ayon sa IBON, Php48.26 kada litro lamang sana ang binabayad ng mga konsyumer ng regular na gasolina at hindi ang kasalukuyang Php54.85 kung wala ang VAT. Samantala, ang presyo sana ng Diesel ay Php41.45 kada litro lamang nang walang VAT (Tingnan ang table).

 

Produkto Presyong may VAT Presyong walang VAT Agwat
Regular gasoline 54.75 48.26 6.58
Diesel 47.10 41.44 5.65

 

Ang VAT sa mga produktong petrolyo ay isa sa pinakamalalaking pinagkukunan ng gubyerno ng kita. Taun-taon simula 2006, nag-abereyds sa Php48 bilyon ang kita sa VAT sa langis. Kumakailan, tinanggihan ni Pang. Aquino na ibaba man lamang ang porsyento ng VAT sa langis sa gitna ng lalong tumitinding epekto ng mataas na presyo ng langis sa publiko.

Pinuna din  ng IBON na taliwas sa sinasabi ng gubyerno, ang bulto ng kita sa VAT (58%) ay hindi napupunta sa panlipunang serbisyo kundi sa bayad-utang ng gubyerno. Hinikayat ng IBON na  maghanap ng alternatibong hakbang upang maglikom ng kita ang gubyerno halimbawa sa mga imported at produktong luho sa halip na sa mga produktong  tulad ng petrolyo na may direktang epekto sa pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin. .

Ang pump price ng diesel at gasolina ay tumaas nang 11 beses mula Enero hanggang Abril. Umabot na ang pangkalahatang pagtaas sa Php8.35 kada litro para sa diesel at Php7 kada litro para sa regular na gasolina.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: