ibonreads

IBON, nanawagan para sa progresibo at ispesipikong sistema sa pagbubuwis sa halip na VAT sa langis

In Filipino, Media Release on April 6, 2011 at 7:33 am

Iminungkahi ng IBON ang pagpapataw ng ispesipikong buwis na mas malaki sa mga personal at kita ng mga korporasyon kabilang na ang iba pang may kinalaman sa yaman. Sa kabilang banda, itinutulak ng IBON ang pag-aalis ng buwis sa mga produktong gamit ng karamihan laluna ng mga mahihirap tulad ng   mga produktong petrolyong diesel, LPG at kerosene.

Kung ang gubyernong Aquino ay seryosong naghahanap ng mga hakbang na sasangga sa epekto ng mataas na presyo ng langis sa mga konsyumer at lokal na ekonomiya, dapat nitong kagyat na baligtarin ang pagpataw ng 12% value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo, anang grupong panaliksik na IBON Foundation.

Iginiit ngayon ng IBON ang  progresibong sistema ng ispesipikong buwis at alisin na ang VAT sa mahahalagang produkto tulad ng langis. Iminungkahi ng IBON ang pagpapataw ng ispesipikong buwis na mas malaki sa mga personal at kita ng mga korporasyon kabilang na ang iba pang may kinalaman sa yaman. Sa kabilang banda, itinutulak ng IBON ang pag-aalis ng buwis sa mga produktong gamit ng karamihan laluna ng mga mahihirap tulad ng   mga produktong petrolyong diesel, LPG at kerosene.

Lubos na nakikinabang ang gubyerno mula sa pagtaas ng presyo ng langis sa pamamagitan ng VAT sa mga produktong petroloyo. Nagbigay kamakailan ang isang upisyal ng Department of Finance ng tantsa na Php4 milyon na VAT windfall na inaasahang matatanggap ng gubyerno sa dulo ng Marso. Gayunman ikinakatwiran ng IBON na hindi dapat sa mahihirap na mamamayan pangunahing kunin ng gubyerno ang badyet nito.

Kung walang VAT, maaaring bumaba ang pump price ng langis hanggang Php5 kada litro at magbibigay-ginhawa sa malaking bilang ng mga konsyumer. Ang matitipid mula sa presyo ng langis ay mangangahulugan ng dagdag na salapi para direktang magastos ng mga konsyumer sa kanilang mga pangangailangan. Makikinabang din sa mas mababang gastos sa operasyon at produksyon ang mga lokal na establisimyento, laluna yaong ang mga operasyon ay gumagamit ng langis. Idinagdag rin ng IBON na, taliwas sa sinasabi ng gubyerno, ang bulto ng pangkalahatang kita mula sa VAT (58%) ay hindi napupunta sa lubos na kinakailangang serbisyong panlipunan kundi sa bayad-utang ng gubyerno. Higit pa, maaaring mabawi ng gubyerno ang lugi nito kahit pa alisin ang VAT sa langis sa pamamagitan ng alternatibong hakbang para kumita – na hindi ganoon kabigat para sa mga konsyumer.

Sinimulan ng gubyernong ipataw ang 12% VAT sa langis noong 2006, na nagpakumplika sa problema ng sumisirit na presyo ng langis sa ilalim ng deregulated downstream oil industry. Nagkaroon ng siyam na ulit ng pagtaas sa presyo ng diesel at walong ulit na pagtaas sa presyo ng gasolina mula Enero 2011. Tumaas ang pump price ng diesel sa Php8.35 kada litro at ang regular na gasolina nang P6.25 sa unang kwarto.

Binigyang-diin ng grupong panaliksik na ang deregulasyon ng industriya ng langis ay mas naging pabigat sa mamamayan. Dahil dito,  higit pang tumaas ang  presyo ng produktong petrolyo samantalang hindi naman inoobliga ang mga kumpanya ng langis na ipaliwanag ang kanilang pagtaas ng presyo ng langis. Habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, inuulit ng IBON ang panawagan nitong ipawalambisa na ang batas sa deregulasyon upang bigyang-daan ang regulasyon at pananagutan  ng gubyerno sa mga presyo.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: