ibonreads

Malabo, malalaking bultuhang pondo sa badyet sa 2011, taliwas sa tunguhin ng gubyernong maging bukas

In Filipino, Media Release on November 10, 2010 at 6:45 am

Itong malalaki’t bultuhang mga aytem ay dapat lamang na buung-buong mabigyang-katwiran kasama ang pag-iisa-isa ng kanilang mga layunin, programa at mga proyekto

Sa pagkaapruba ng Camara de Representantes sa ikatlong pagbasa ng 2011 badyet ng pambansang gubyerno, nagpahayag ng pagkabahala ang grupong pananaliksik na IBON sa PhP245-bilyong malabo at bultuhang pondo, o may 15% ng kabuuang badyet.

Ang mga pondong ito, na binubuo ng malalaking aytem sa badyet na walang wastong pagkatukoy ng layunin, ay taliwas sa idineklarang tunguhin ng administrasyon ng pagiging bukas at may pananagutan, anang grupong panaliksik.

Kabilang sa mga bultuhang aytem na ito ang sumusunod:

1)      PhP 66.91 bilyon na di nakaprogramang pondo at PhP 1-bilyong panigurong pondo na ipapailalim sa diwa sa pagpapasya ng pangulo. Habang ito ay masasabing pag-unlad sa napakalaking PhP119.7-bilyong katumbas na pondo sa nakaraang badyet ni Arroyo para 2010, ang halaga ay doble pa rin ng nakalaan para sa departamento ng kalusugan at triple ng badyet para sa mga unibersidad at kolehiyo ng estado.

2)      PhP 29.29-bilyong pondo para sa lubos na pinalawak na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at National Household Targeting System. Kailangan pang wastong patunayan ng DSWD ang kakayahan nitong magpatupad ng napakalaking pagtaas sa programa at badyet.

3)      PhP15-bilyong pondo na hinati nang pantay-pantay para sa tatlong di-malinaw na “pansuportang pondo para sa public-private partnership” sa ilalim ng DPWH, DOTC at DA.

4)      PhP2.34-bilyong pondo para sa military para sa “suporta sa pambansang kaunlaran” na kung tutuusin ay usaping mas angklang ipaubaya sa mga departamentong sibilyan

5)      PhP1.46 bilyong pondong paniktik, na PhP403 milyong higit kaysa sa 2010 badyet ni Arroyo

6)      PhP 1.19 bilyon para sa “pangunahing proyektong pang-impormasyon at teknolohiyang pangkomunikasyon”, na nagpapaalala tungkol sa bigong kasunduang NBN-ZTE.

7)      PhP24.82  bilyon para sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), na tumaas mula PhP 10.9 bilyon noong 2010.

Ayon sa IBON, ang mga malalaki’t bultuhang aytem na ito ay dapat lamang na buung-buong mabigyang-katwiran kasama ng pagtukoy sa kanilang mga layunin, programa at proyekto. Dapat ring magkaroon ng substansyal, kung hindi man buung-buong, pagsusuri at pag-iisa-isa ng gamit ng mga pondo para sa pagsapit ng panahon ng badyet sa susunod na taon. Ito, anang grupo, ang ilang hakbang tungo sa higit na pagiging bukas o transparent.

Huli sa lahat, ang mga kapangyarihan ng Ehekutibo upang pigilan ang paglabas ng badyet ay dapat ding bawasan dahil ang ganitong mga bultuhang pondo ay kadalasang nagagamit bilang pampangulong pork barrel. Ang pagsagawa nito ay magpapahina sa katangian nitong may kinikilingan at mababawasan ang bulnerabilidad nito sa abuso, ayon sa IBON.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: