ibonreads

Gubyernong RP, hinamon na kondenahin ang pag-deport ng Seoul sa mga delegadong Pilipino

In Filipino, Media Release on November 10, 2010 at 3:30 am

Research head ng IBON, pinakahuling Pilipinong di pinapasok sa Korea

Nagpahayag ng pagkadismaya ang independenteng think-tank na IBON Foundation sa kakulangan ng aksyon ng gubyerno ng Pilipinas matapos i-blacklist at ideport ang pitong myembro ng mga grupo ng Filipino civil society sa South Korea.

Nag-isyu ang pahayag ang Malacañang na nagsasabing nirerespeto nito ang desisyon ng gubyerno ng South Korea na di magpapasok ng mga Pilipino, subalit sinabi ng grupo na sa kabila ng malinaw na mapang-diskriminang pagtrato, ang malamyang reaksyon ng gubyerno ng Pilipinas ay kaala-alala. Itinatanong din ng grupo kung ang gubyernong Pilipinas ba ang nagrekomenda ng pag-blacklist, gayong mga aktibistang Pilipino lamang ang hinarang sa pagpasok sa Korea.

Sina Sonny Africa at Paul Quintos, mga mananaliksik ng IBON, kasama ang anim na iba pang Pilipino ay di pinapasok sa South Korea nang walang anumang paliwanag mula sa mga upisyal sa imigarsyon ng Seoul. Lalahok sana ang mga delegadong Pilipino sa G20 Seoul International People’s Conference na nagtipon ng mga grupong civil society sa isang kumperensyang katapat ng G20 summit. Tatalakayin ng kumperensya ang mga alternatiba sa tugon ng G20 sa pandaigdigang krisis ng mga pagpipiyansa at dagdag na buwis, na napuna na dahil sa pagpabor sa mga korporasyon at ibayong pagpapataw ng bigat sa mahihirap na mamamayan sa buong daigdig.

Ipiniit nang 24 oras si Quintos sa Incheon Airport at dineport noong Sabado kahit ito ay pangatlong bisita na niya at hindi naman nagkaroon ng problema sa pagbiyahe pa-Seoul dati. Si Africa naman ang pinakahuling Pilipino na hindi pinapasok at pinwersang sakyan ang parehong byahe pabailk ng Maynila noon ding Lunes. Dineport rin ang iba pang mga aktibistang Pilipino kabilang si Roger Soluta, pangkalahatang-kalihim ng Kilusang Mayo Uno, ang makatang si Jess Santiago at apat na iba pa.

Ang katapat na kumperensya ay inorganisa ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU), People’s Solidarity for Participatory Democracy (PSPD) at iba pang organisasyong civil society sa Korea. Ang ibang nasyunalidad na inimbita ng parehong mga organisador  ay pinayagang pumasok sa Seoul.

Ayon kay Quintos, “Naniniwala kaming imbes na harangan ang mga aktibista at pag-itsapwera na marinig sa Korea ang mga tinig ng civil society mula sa Pilipinas, dapat lamang na makinig ang mga upisyal ng gubyerno sa Seoul sa katapat na kumperensya ng mamamayan. Sa gayong paraan maaari silang matuto ng mga alternatibong paraan mula sa civil society, mga akademiko at progresibong lider hinggil sa pagharap sa krisis,” aniya.

Sinabi naman ni Africa na tila hindi nakikita ng gubyerno ng Pilipinas ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga Pilipino sa mga mahahalagang aktibidad na ito na may kinalaman sa G20. “Nakita ng mga grupong civil society sa Korea ang kahalagahan ng partisipasyong ito kayat lalong kabalintunaan na hindi gayon sa kaso n gating gubyerno,” dagdag niya. Pinansin din niyang ang mga pulong ng G20 ay may record ng pagsupil sa partisipasyon ng civil society, habang ihinahalimbawa ang G20 summit noong Hulyo sa Toronto, Canada kung saan mahigit 900 katao ang inaresto sa mga demonstrasyon.

Hinahamon ng IBON ang Malacañang na maggiit ng upisyal na paliwanag mula sa gubyerno ng South Korea at kondenahin ang di-makatarungang deportasyon ng mga delegadong Pilipino. “Dapat hikayatin ng gubyerno ng Pilipinas ang kalayaan ng pagpapahayag at kondenahin ang mga atake laban rito. Ang kawalan ng tunay na aksyon ay nakababahala na tila ito’y pagpayag o marahil pa’y pakikipagsabwatan para sa gayong malulupit na hakbang pang-seguridad, ani Africa. #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: