ibonreads

DAHIL SA EPIRA: Mas mababang singil sa kuryente ngayong Oktubre, mababalewala ng paparating na mas matataas na singil

In Filipino, Media Release on October 14, 2010 at 4:57 pm

Balitang IBON | 8 Oktubre 2010 | Nagbabala ang grupong panaliksik na IBON ngayong araw na ang PhP 1.10 kada kilowatt-hour (kWh) na pagbagsak sa singil sa kuryente ngayong buwan ay pansamantalang relyebo lamang para sa mga konsyumer gayong nakaamba ang mas matataas na singil sa kuryente sa mga darating na buwan.

Ipinahayag ito ng grupo matapos ianunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na ang generation charge para sa pagpepresyo nito ngayong Oktubre ay bumagsak sa PhP 4.31/ kWh mula sa PhP 5.41 noong nakaraang buwan.

Pinansin ng IBON na ang Department of Energy ay naglalayong ipasa ang bigat ng pagbayad ng may PhP932.21 bilyong utang ng National Power Corp. (Napocor), Power Sector Assets and Liabilities Management Corp (PSALM), at ng National Transmission Corp. (Transco) sa mga mamimili sa pamamagitan ng tinatawag na universal charge.

Tinatantsang ang pagtaas sa singil upang masaklaw ang mga utang na ito ay maaaring umabot sa inisyal na halaga ng PhP1.86 kada kWh.

Sinabi ng IBON na resulta ito ng pagpapatupad ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), na nagpapanukalang ang mga utang na naipon ng mga korporasyon ng estado sa kuryente ay ipapasa sa mga mamimili bilang isa sa mga paniyak nito sa pribatisasyon.

Sa partikular, ang mga utang na ito ay tinatawag na stranded debts at stranded contract costs. Ang stranded debts ay anumang di-bayad na obligasyong pinansyal ng Napocor na hindi pa naitatala sa pamamagitan ng nalikom mula sa pagbenta at pribatisasyon ng mga pag-aari nito. Ang stranded contract costs naman ay pumapatungkol sa labis sa kinontratang halaga ng kuryente sa ilalim ng pinasok ng NAPOCOR na mga kontrata kasama ang independent power producers (IPPs) hanggang Dec. 31, 2000 sa aktwal na presyong naipagbili ang nakontratang kuryente sa merkado.

Ang utang ng NAPOCOR ay dapat lamang na naisara na sa mga kita sa pribatisasyon ng power generation plants nito at iba pang pag-aari. Subalit hindi ito nangyari gayong ang pagkabenta ng power plants ay naantala nang husto at ang takam ng mga mamumuhunan ay nabarahan ng, kabilang sa iba pang salik, kakulangan sa garantisadong merkado sa pamamagitan ng supply contract at iregularidad sa proseso ng paglako. Ang gubyerno ay napwersang ipagpatuloy ang natitirang di nabebentang power plants at sa proseso ay nagkaroon ng dagdag pang mga utang. Pinansin ng IBON na ang utang ng sektor sa kuryente ay lumobo mula sa termino ni Pang. Corazon Aquino nang unang pumasok ang gubyerno sa sari-saring mga kasunduan kasama ang mga pribadong korporasyon upang magtatag ng mga power plant. Pumayag ang gubyerno na balikatin ang lahat ng maaaring maging suliranin kapalit ang demand ng pamilihan, halaga ng gasolina at pabagu-bagong dayuhang palitan. Ang bahaging “take or pay” sa lahat ng mga tiwaling kontratang ito ay nag-oobliga sa NAPOCOR na bayaran ang 70%-100% ng kapasidad ng IPP (bayad sa kapasidad), naihatid man o nagamit ang kuyente o hindi.

Malala pa, ang PSALM ay nakaipon na ng “mga gastos na kauugnay ng pribatisasyon” na inilakip nito sa kalkulasyon ng mababawing stranded costs. Kabilang rito ang bonus sa pribatisasyon para sa mga upisyal at empleyado ng PSALM na nagkakahalaga ng PhP 80.9 milyon gayundin ang bayad para sa privatization consultation na nagkakahalaga ng PhP 118 milyon.

Ayon sa IBON, ang pribatisasyon ng sektor sa kuryente ay napatunayan nang madisbentahe sa malawak na saklaw sa mga konsyumer. Nagrerekisito ito ng malalaking insentiba at garantiya upang matiyak ang tubo ng mga mamumuhunan habang ipinapasa ang bigat sa mga konsyumer. Ayon sa grupo, kailangang baligtarin ang EPIRA at ang mga hakbang upang patatagin ang reglasyon ng sektor sa kuryente ay dapat na gawin upang protektahan ang mga konsyumer mua sa matataas na presyo ng kuryente.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: