ibonreads

Mga kontraktor ng Malampaya dapat agad bayaran ang P53-B bahagi ng gubyrno; Lubhang tagibang na kontrata sa seribisyo sa Shell, Chevron dapat repasuhin

In Filipino, Media Release on September 25, 2010 at 8:49 pm

Balitang IBON | 20 Setyembre 2010  | Ang bumabang deklarasyon ng mga bayarin ay nagkakahalaga umano ng P53 bilyon dahil  tuluy-tuloy na binabawasan ng mga kontraktor na Shell Exploration, Chevron at PNOC ang kanilang corporate income tax mula sa 60% sapi ng gubyerno sa proyektong gas noon pa man.

Hiniling ng grupong panaliksik na IBON sa gubyernong Aquino na igiit sa mga kontraktor sa serbisyo ng Malampaya Gas Project na kagyat na bayaran ang gubyerno ng Pilipinas ng bahagi nito sa kita ng proyekto at ibalik ang halaga ng mga buwis na halos gubyerno na ang nagbayad para sa kanila.

Ang bumabang deklarasyon ng mga bayarin ay nagkakahalaga umano ng P53 bilyon dahil  tuluy-tuloy na binabawasan ng mga kontraktor na Shell Exploration, Chevron at PNOC ang kanilang corporate income tax mula sa 60% sapi ng gubyerno sa proyektong gas mula pa 2004.

Pinuna ng IBON bilang kabalintunaan na ang paglaho ng kita ay naganap sa panahong ang mga mamimiling Pilipino ay nagdudusa sa napakataas na presyo ng produktong petrolyo habang ang bansa ay naharap sa napakalalaking depisito sa badyet.

Ikinalugod ng grupong panaliksik ang ulat ng Commission on Audit (COA) sa Departamento ng Enerhiya na nagsaad na ang mga kontraktor ng Malampaya ay di dapat patawarin sa pagbayad ng corporate income tax nila at dapat ay bayaran ito nang direkta sa gubyerno ng Pilipinas.

Idinagdag pa ng IBON na dapat kaagad na repasuhin ng guberno ang lubhang tagibang na kontrata sa serbisyo sa Shell at Chevron. Pinaulanan na ng kontrata ng di-mabilang na mga konsuwelo at eksempsyon ang mga kumpanya sa pamamagitan ng kontrata sa serbisyo. Halimbawa, di obligado ang mga kontraktor sa sari-saring mga buwis at batas ng Pilipinas maliban sa buwis sa kita. Tinatamasa rin nila ang libre-sa-buwis na pag-angkat at paglabas ng tubo at kapital na puhunan, bukod sa iba pa.

Ayon sa grupo, ang mga eksempsyon na ito ay nagpapakita kung papaano inabandona ng gubyerno ang konstitusyonal na tungkulin nito at karapatan na buung-buong kontrolin at pangasiwaan ang proyektong Malampaya alang sa pambansang interes. Hinikayat rin nito ang gubyerno na huwag bulag na pumasok sa mga kontratang umaabuso lamang sa likas na yaman ng bansa nang walang karampatang paggalang sa interes ng mamamayan at pambansang patrimonya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: