ibonreads

Ekonomya, lumago pero di ramdam ng mga Pilipino

In Filipino, Media Release on August 28, 2010 at 3:24 am

BALITANG IBON | 28 Agosto 2010 | Ang 7.9% paglago sa gross domestic product (GDP) ay hindi sinabayan ng katumbas na pagtaas sa tunay na trabaho at disenteng sahod.

Maaaring lumago ang ekonomya sa ikalawang kwarto at unang semester ngayong taon subalit hindi ito naramdaman ng mamamayan, ayon sa grupo sa pananaliksik na IBON.

Itinala ng IBON ang mistulang kawalang-reaksyon ng sahod at empleyo sa paglago sa ekonomya ng bansa. Kahit iniulat ng gubyerno ang “kumikinang” na 7.9% paglago sa gross domestic product (GDP) sa pangalawang kwarto at dalawang magkasunod na panahon ng “higit sa karaniwang paglago”, hindi ito sinabayan ng katumbas na pagdami ng tunay na trabaho o disenteng sahod.

Kahit mistulang paborable ang paglago, ang empleyo ay nagrehistro lamang ng 1.2% paglago noong Abril 2010 mula sa nakaraang taon, na ni hindi masabayan ang paglaki ng pwersang paggawa o ng populasyong nasa-edad nang magtrabaho. Patuloy na tumaas ang disempleyo sa 4.7 milyon noong Abril 2010 at ang tantos ng disempleyo na 11.6% ay ang pinakamalala sa Asya. Nawalan naman ng 802,000 trabaho ang sector ng agrikultura noong Abril.

Imbes, anang IBON, ang lumago kasabay ng paglago ng ekonomya ay ang pagtaas sa tubo ng Top 1,000 na korporasyon mula P116.4 bilyon noong 2001 sa P686.3 bilyon noong 2007. Ang kakayahang tumubo o tantos ng tubo kumpara sa kita ay tumaas din mula 3.2% noong 2001 hanggang 11.7% noong 2007. Nagkaroon ng pagbaba sa tubo sa P415.1 bilyon noong 2008, malamang dahil sa pandaigdigang krisis pangekonomya, subalit nagkaroon pa rin ng 7.02% kakayahang tumubo katapat ng 0% pagtaas ng sahod.

Ang paglago ng GDP ay nagkukumpirma lamang sa baluktot na ekonomya na lumalago nang di lumilikha ng sapat na trabaho. Nananatiling mahina ang mga batayan ng ekonomya at nananatili itong kagyat na usapin para sa administrasyong Aquino. #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: