ibonreads

10 Leksyon sa Eleksyon

In Filipino, Fora, Talks, Trainings, Usapang Ibon on April 28, 2010 at 10:43 am

Eleksyon na naman at tulad ng dati, mistula na namang karnabal ang buong bayan. Kabikabila ang mga pangako ng mga kandidato para sa pagbabago at pagbuti ng buhay kung sila’y mahahalal. Halos iisa ang kanilang inuusal — pagbabago.Pero anong klaseng pagbabago at para kanino?

Napakahalaga ng eleksyon sa Mayo para sa mamamayang Pilipino. Para sa maraming Pilipino, ang eleksyong ito ang inaasahan nilang magtatapos sa miserableng pamumuhay na dinaranas sa ilalim ng 9 na taon ng administrasyong Arroyo. Napakalaki ng taya ng mamamayan sa eleksyong ito na gaganapin sa isang panahong napakatindi ng krisis sa kabuhayan at nasa abanteng yugto ng pagkabulok ang pampulitikang sitwasyon ng bansa. Ang eleksyon sa Mayo ay hindi lamang usapin ng pamimili sa mga kandidato.

Usapin din ito ng pagtatakda ng kung anong pagbabago ang kailangan ng bayan. Usapin din ito ng pagtatakwil sa isang gubyernong nagpahirap sa mamamayan subalit pilit pang nangungunyapit sa kapangyarihan. Usapin ito ng pagpapalawak ng organisadong lakas ng mamamayan para sa tunay na pagbabago.

Basahin ang buong praymer, sundan ang link na ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: