ibonreads

Magtimbang lampas sa popularidad, pagpapakete; Mga grupo para sa reporma naghapag ng pamantayan sa pagpili ng mga kandidato sa isang streetshow

In Filipino, IBON Networks, IBON Photos, Media Release on March 11, 2010 at 5:43 am

Ang Pagbabago! People’s Movement for Change at Tayo ang Pag-asa, mga grupong reporma, ay naglunsad ng palabas sa kalye upang ipakilala ang pamantayan nito sa pagpili ng mga kandidato sa eleksyong Mayo.



Ang palabas sa kalye na inilunsad sa Philcoa sa Lungsod ng Quezon, ay itinanghal ng mga artista na suot ang makukulay na sumbrero at nagsagawa ng maikling palabas tungkol sa matinong pagboto at pagtimbang nang lampas sa popularidad at pagkapakete ng mga kandidato.

Hinamon ng palabas ang mga kandidato na magkaroon ng malinaw na tindig sa mga isyu, kung saan bawat sumbrero ay nagpapakita ng mga isyu ng pananagutan (accountability), karapatang-tao, ekonomya, kasarinlan, karapatan sa kasarian at kultura.

Tinaguriang ‘Pamantayan ng Mamamayan para sa 2010’, ang kulumpon ng mga isyu ay ihinanda upang gabayan ang mga botante sa pagpili ng mga kandidato para sa eleksyong pampangulo. Ipinakete ang pamantayan sa mga poster at pamplet na ipinamahagi rin sa madla habang isinasagawa ang palabas sa kalye.

Pinaplano ng mga grupong ipagpatuloy ang paglunsad ng mga palabas sa kalye sa iba pang lugar upang ipamalita ang People’s Criteria para sa mga kandidato hanggang sa eleksyong Mayo.

(Maaaring kumontak sa mobile nos. 0928-2555423 at 0917-4844065 para sa detalye.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: