ibonreads

8 sa 10 Pilipino di nasisiyahan sa sitwasyon ng RP habang papatapos ang termino ni Arroyo

In Filipino, IBON Photos, Media Release on March 2, 2010 at 2:24 am

Ibon Survey | 27 Pebrero 2010 | Sanggunian: Rosario Guzman, IBON Executive Editor – 78.4 ang sumagot na ang pangkalahatang sitwasyon ng bansa ngayon ay di kasiya-siya.
Habang papatapos nag termino ng adminsitrasyong Arroyo, karamihan sa mga Pilipino ang nagsabing hindi sila nasisiyahan sa sitwasyon ng bansa, ayon sa resultang ipinapakita ng pambansang sarbey ng IBON.

During the January 22, 2010 Lakbayan, various sectors vowed to continue struggling towards genuine social change despite the current administration's attempts to thwart the people's interests and aspirations


Sa 1,495 sumagot sa sarbey, 78.4% ang sumagot na ang pangkalahatang sitwasyon sa bansa ngayon ay hindi kasiya-siya, samantalang 7% ang nagsabing ito’y kasiya-siya. Ang 9-taong administrasyong Arroyo ay magtatapos pagkalipas ng 2010 eleksyong presidensyal sa Mayo.
Ang mga sumagot sa sarbey ay tinanong din kung ano ang kanilang tinginsa sitwasyon ng kanilang pamilya ngayon. 68.6% ang nagtalang mahirap ang kanilang pamilya, samantalang 25% ang kabaligtaran.
Ang Enero 2010 sarbey ng IBON ay inilunsad sa buong bansa mula Enero 9 hanggang 17 upang malaman ang pagtingin ng mamamayan sa ekonomya, sa kanilang kabuhayan at kita, kalakaran ng buyerno, at ibang nagbabagang isyu. Ang pinakabagong sarbey ay may margin of error na plus or minus tatlong porsyento.

Ang buong resulta ng Enero 2010 pambansang sarbey ng IBON ay maaaring makita sa http://www.ibon.org.

Ang IBON Foundation, Inc. ay isang nagsasariling institusyon sa pag-unlad na itinatag noong 1978. Nagbibigay ito ng suportang pananaliksik, edukasyon, publikasyon, gawaing impormasyon at suportang pagtataguyod kaugnay ng mga isyung sosyo-ekonomiko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: