ibonreads

Mga Pilipino, di pabor sa pagtakbo ni Arroyo bilang representante ng Pampanga

In Media Release on February 25, 2010 at 6:47 am

IBON Survey | 20 Pebrero 2010 | Sanggunian: Rosario Guzman, IBON Executive Director – 6.2% lamang ang nagsabing pabor sila sa pananatili ni Pang. Arroyo sa gubyerno bilang representante.

Karamihan ng mga Pilipino ay di pabor sa pananatili ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa gubyerno bilang representante ng Pampanga, ayon sa pinakabagong pambansang sarbey ng IBON.

Sa mga sumagot sa sarbey, 83% ang sumagot ng “oo” sa tanong kung alam nilang ang pangulo ay tumatakbo sa pagka-Kongresista ngayong Mayo. Sa mga sumagot na ito, 6.2% lamang ang nagsabing pabor sila sa pananatili ni Pang. Arroyo sa gubyerno bilang representante, samantalang 86% naman ang hindi pabor.

Inilunsad ang Enero 2010 pambansang sarbey noong Enero 9-17 gamit ang multi-stage probability sampling scheme. Ang pinakabagong sarbey ay may margin of error na plus o minus three porsyento.

Nasa ilalim ang tabulasyon ng mga resulta ng pagtingin ng mga sumagot sa sarbey hinggil sa mga ulat na tatakbo sa pagka-Kongresista ang presidente.

Batid mo ba na binabalak ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbo sa pagka-Kongresista sa eleksyong 2010 pagkatapos ng kanyang termino?

July 2009 October 2009 January 2010
Yes 68.43 61.03 81.81
No 31.10 38.44 16.39
No Answer 0.47 0.53 1.81
Total 100.00 100.00 100.00
  • para sa Hulyo at Oktubre 2009, ang tanong ay “Alam mo ba na may mga ulat na balak ni PGMA tumakbo sa pagka-Kongresista sa eleksyong 2010 pagkatapos ng kanyang termino bilang Pangulo?

Pabor ka ba sa pananatili ni Pang. Arroyo sa gubyerno bilang representante ng Pampanga?

July 2009 October 2009 January 2010
Yes 7.23 7.01 6.21
No 82.01 85.76 85.85
Dont Know 10.36 6.68 7.77
No Answer 0.39 0.55 0.16
Total 100.00 100.00 100.00

Ang buong resulta ng Enero 2010 pambansang sarbey ng IBON ay makikita sa www.ibon.org.

Ang IBON Foundation, Inc. ay isang nagsasariling institusyon sa pag-unlad na itinatag noong 1978. Nagbibigay ito ng suportang pananaliksik, edukasyon, publikasyon, gawaing impormasyon at suportang pagtataguyod kaugnay ng mga isyung sosyo-ekonomiko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: