ibonreads

Laiban Dam — mahal at di kinakailangang proyekto: Katutubong mamamayan, tagapagtaguyod ng tubig, nagprotesta sa MWSS

In Filipino, IBON Networks, Media Release on February 19, 2010 at 3:05 am


Inaasahang malapit nang ibigay ng MWSS ang P52-bilyong proyektong dam sa San Miguel Corp. (SMC) subalit binigyang-diin ng grupo na walang pangangailangan na itayo ang Laiban Dam.

Nagmartsa at nagprotesta ang mga myembro ng Water for the People Network (WPM) sa labas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa proyektong Laiban Dam. Sa loob ng opisina ng MWSS, dumalo rin ang mga kinatawan ng grupo sa dayalog sa mga regulatory official upang matukoy ang estado ng kasunduang Laiban.

Sinuportahan ng grupo ang myembrong organisasyon ng WPN na No to Laiban Dam at Kalipunan ng mga Katutubong Mamamamayan ng Pilipinas (KAMP), na ang mga myembro ay direktang maapektuhan ng pagtatayo at operasyon ng proyektong Laiban Dam.

Inaasahang malapit nang ibigay ng MWSS ang P52-bilyong proyektong dam sa San Miguel Corp. (SMC) subalit binigyang-diin ng grupo na walang pangangailangan na itayo ang Laiban Dam.

Una, halos 15%-60% ng tubig na nagmumula sa kasalukuyang pinagkukunan — ang mga dam ng Angat at Umiray — ay nawawala dahil sa  mga tulo. Ang Maynilad pa lamang ay nagsasayang pa rin ng kasing-dami ng 1,400 MLD ng tubig, 13 taon sapul nang saklawin nito ang kanlurang bahagi ng erya na sineserbisyuhan ng MWSS. Ang pagtugon sa pagkawalang ito nang dahil sa sistema na sanhi ng pagpapabaya ng kumpanya at mga serbisyong-tubig na para sa tubo ay maaari nang pumawi sa anumang nakikitang pagtaas sa pangangailangan para sa tubig.

Ayon sa WPN, nililito ng MWSS at SMC ang publiko sa paghayag na magkakaroon ng pagkukulang sa suplay at pangangailangan sa tubig sa Metro Manila at mga kalapit-prubinsya sa 2015 kapag hindi itinuloy ang proyektong Laiban Dam.

Iginiit ng grupo sa MWSS na bitawan na ang P52-bilyong mega-proyekto ng SMC dahil palalayayasin nito ang may 21,000 magsasaka at katutubong mamamayan sa Tanay, Rizal at General Nakar, Quezon.

Lalong iiitsapwera ng pagtatayo ng Laiban Dam ang mga maralitang mamimili ng tubig sa pamamagitan ng napakataas na mga singil dahil sa mga probisyon para sa tiyak na tubo (take-or-pay man o iba pang iskema) na nakalagay sa mungkahi ng SMC. Ipinapakita ng dating pagtantsa ng maynilad na ang mga probisyon sa Laiban Dam ay maaaring magpataas sa singil ng Maynilad nang dagdag na P10 kada kubiko metro o 37% pagtaas.

Binigyang-diin ng WPN na malinaw na ang Laiban Dam ay isang mahal at di kinakailangang proyekto na pakikinabangin lamang ang SMC samantalang magsasanhi ng seryosong pinsala sa mga magsasaka at katutubong mamamayan sa Tanay at Quezon. Gayundin, palalalain nito ang batayang problema ng kakulangan sa naaabot na serbisyong tubig ng mga maralitang mamimili sa Metro Manila at mga kalapit-prubinsya, na naranasan nang tumaas ang singil sa tubig mula 449% (Maynilad) hanggang 845% (Manila Water) mula nang isapribado ang MWSS noong 1997. #

(Ang Water for the People Network (WPN) ay pambansang alyansang multi-sektoral ng iba’t ibang grupong nangangampanya para sa kontrol ng mamamayan sa kanilang pinagkukunan ng tubig. Ang IBON ay bahagi ng secretariat ng network na ito.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: