ibonreads

Di malulutas ng poll automation ang pandaraya sa eleksyon, tingin ng karamihang Pilipino

In Filipino, Media Release, Uncategorized on February 19, 2010 at 3:29 am

IBON Survey | 18 Pebrero 2010 | Sanggunian: Rosario Bella Guzman, IBON Executive Editor), Mobile: 0917-4668732



Ipinakita ng pinakabagong pambansang sarbey ng IBON na karamihan sa mga Pilipino ay naniniwalang hindi malulutas ng poll automation ang problema ng diumano’y pandaraya sa eleksyon.

Sa 85.4% sumagot sa sarbey na alam na mayroong programang poll automation, 63% ang naniniwalang hindi nito malulutas ang pandaraya sa darating na eleksyon. Ang Commission on Elections (COMELEC) ay magpapatupad ng poll automation sa buong bansa sa kauna-unahang pagkakataon sa eleksyong 2010 sa layuning mapadalang ang pandarayang elektoral.
Tumaas mula 56.5% noong sarbey ng Oktubre 2009 ang bilang ng mga sumagot sa sarbey na naniniwalang hindi matutugunan ng automation ang pandarayang elektoral.

Isinagawa ng IBON ang pambansang sarbey nito noong Enero 9-17 sa 1,495 katao. Gumamit ng multi-stage probability sampling scheme ang sarbey ng Enero 2010 at may margin of error na plus or minus tatlong porsyento.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: