ibonreads

Pagtigil ng pag-eksport ng asukal sa US, iginiit sa gobyerno

In Filipino, Media Release on February 9, 2010 at 3:51 am

Pahayag sa Midya ng IBON/ 4 Pebrero 2010–Pinanawagan ng grupo sa pananaliksik na IBON Foundation na itigil na ang pag-eksport ng asukal sa US para tiyakin ang lokal na suplay at mabigyang-proteksyon ang seguridad sa pagkain sa bansa.

Ipinanawagan ito ng grupo sa gitna ng mga anunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakaambang magkulang ang suplay ng asukal habang may posibilidad na iatras ng mga supermarket ang mga produktong asukal sa mga susunod na araw dahil sa pagtaas ng mga presyo. Nagbabanta rin sa lokal na produksyon ng asukal ang paparating na El Niño, ayon sa DTI.

Upang gawing estable ang presyo sa lokal na pamilihan, bumaling ang gubyerno sa walang-buwis na pag-angkat ng 150,000 metriko tonelada (MT) ng asukal.

Subalit sinabi ng grupo na habang nagkukumahog ang bansa na mag-angkat ng asukal mula sa pandaigdigang pamilihan, ang Pilipinas ay nakatakda ring mag-eksport ng may 158,906 MT ng asukal sa US sa ilalim ng sistemang quota at upang sunggaban ang pagsirit ng presyo sa pandaigdigang pamilihan bunga ng nauulat na pagbaba ng produksyon ng asukal sa India at Brazil.

Napupunta ang eksport na asukal ng Pilipinas sa pamilihan ng US sa ilalim ng sistemang Tarrif Rate Quota (TRQ) nito. Batay sa sistemang ito ang pagtakda ng dami ng sariwang tubo galing sa asukal na papayagan ng US na pumasok sa pamilihan nito sa relatibong mababang taripa. Ito’y bahagi ng komitment ng Pilipinas sa ilalim ng mga kasunduan sa Uruguay Round ng World Trade Organization (WTO).

Ayon sa IBON, kung nagbabanta ang gobyerno na magkakaroon ng pagkukulang sa suplay, ang patuloy na pagtupad ng komitment ng bansang quota sa asukal sa US ay bumabangga sa pambansang interes.

Kinastigo ng IBON ang hakbang ng gobyerno na mag-angkat ng asukal dahil inaangkupan lamang nito ang epekto sa lokal na suplay habang nagkukumahog ang mga negosyante na mag-eksport at sunggaban ang mataas na presyo sa pandaigdigang pamilihan. Laluna, ang hakbang para mag-angkat ay bigo na benepisyuhan ang mga lokal na mamimili sa usapin ng mas mababang presyo dahil sa pagkakaroon ng kartel sa asukal. Pinuna rin ng IBON ang nagmimistulang sabwatan sa hanay ng gobyerno, mga eksporter at taga-angkat na patampukin ang diumano’y pagkulang ng suplay para panatilihin ang mataas na presyo ng asukal kahit pagkatapos ng mga nauulat na problema sa pandaigdigang pamilihan.

Sinabi ng grupo na ang pinakamainam na proteksyon laban sa ispekulasyon sa presyo at suplay na namamalagi ngayon sa industriya ay ang tiyakin ang pagkakaroon ng asukal sa pamilihan.

Binibigyang-matuwid ng interes sa seguridad sa pagkain ng bansa ang pagtigil ng pag-eksport ng asukal. Sa panahon ng matinding krisis pandaigdig sa bigas noong 2008, ang Thailand at India, na mga pangunahing taga-eksport ng bigas, ay tumigil sa pag-eksport. Kailangan lamang tuparin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mandato nito na pagkontrol ng pag-eksport ng asukal upang tiyakin ang lokal na suplay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: